Over Hyping Technique of Networker
What is
Over Hyping?
Answer: It is exaggeratedly promoting a product, service or idea or sa
networking tinatawag na sobrang pambabaliw sa
prospects.
Well alam
naman natin na lahat ng sobra ay masama. Hindi naman masama mambaliw
kasama sa pagiging networker yun pero ang sobra lalo na kung may
kasinungalungan na e masama na yan.
___________________________________________________________________
Pamilyar ka
ba sa ganitong istorya?
“Dati lang
akong jeepney driver, pero ngayon kumikita na ako ng 50,000 per
week (showing his payout check sa mga nakapalibot na guests\invites),
at ngayon hindi na jeep minamaneho ko kundi sarili kong auto!” (sabay
turo sa bagong labas na Ford Expedition) “Grabe! Power dito! Payaman! Laway lang ang puhunan, 2 to 3 hours lang per day tapos after
a week, ayan na, Cheke-cheke na!”
Another
one. . .
“Ay,
power talaga dito guys! Sinong mga first timers? Alam niyo ba dati
na-kidnap lang din ako parang kayo, pero after 6 months, nakabili nko ng
sariling Auto kotse! Grabe talaga ito!” POWER!!
And
another one. . .
Nung
una negative pa nga ako nung iniimbita ko mas gusto ko pa kasi ang 15,000
per month na sweldo kesa sa 15,000 per day na kita hindi pa kasi ako
naniniwala noon pero ngayon eto na ko iniwan ko na ang trabaho ko at finufull
time ko na to.
After
ng (MAM) Meeting after Meeting, BOM or business presentation siguradong
uuwi ang guest \ invite na baliw na baliw. Hyping or pambabaliw is
a very common strategy na ginagawa ng mga Networkers
nowadays. Karamihan ng prospect nangungutang agad dahil nabaliw sa
presentation na hyping.
“I
am not telling na mali itong strategy na ito.
I just
want to share my thoughts about unethical practices of some networkers.”
If you are a first timer
in this kind of environment at kung makarinig ka ng mga ganung istorya,
I’m sure na “mababaliw” ka talaga. Kasi yung nagtatalk totally
walang-wala or mahirap, then in a matter of months, kumikita na ng malaki,
and now driving his own car,in which mahirap ma-attain kung nasa normal na
pag-eempleyo ka lang. Many of them truly able to achieve those in a very
short period of time, but some of them didn’t shared the whole story
behind their super quick success and worse some of them are just making
lies to attract people to join in their opportunity which is very
unethical.
Some forgot to tell you that. . .
The speakers (usually
the top earners) have been to Networking business for more than a year
and been to several Networking companies. It means that they already have the
experience, skills, and knowledge needed in order to succeed in that business.
They already have established contacts and followers (could be their uplines,
downlines, or crosslines from their previous companies) na willing sumama sa
kanila or tiwala na sa kanila kahit saan mang kumpanya man sila mag-join, kaya
madali na lang sila nakapag buo ng team at downline organization. Kaya
mabilis silang kumita ng malaki.
or
They forgot to tell you that galing na pala sila sa
isang kumpanya na nagsara or nagkaproblema at sinalpak nila yung kanilang
existing team in this new company, which is the reason of the fast growth of
their organization, as well as their pay-out checks.
or
Ginamitan
nila ng KAMADA SYSTEM (one owner more than 7
accounts), kaya anglalaki ng cheke nila linggo-linggo.
or worse
Mga fake /
pagawa lang pala ung mga chekeng pinapakita nila. Yung kotse, hiram lang pala sa erpats or
tito nila. Pero pag binuksan mo mga online account nila mga wala naman laman o
kakarampot ang laman.
As you can see this
kind of strategy is very common to hype prospects to join the opportunity. For
me these practices are very unethical because what the prospects know is
just the half of the story.
Even if your
prospect doesn’t know the whole story, they will join because of false
hopes, promises and false expectations at yan yung sumisira sa
networking industry
Bakit?
Kasi aakalain
nila na ang Networking ay “walk in the park” meaning madali lang
gawin, that everyone can do it very easy and earn big money in a short
period of time. They don’t know that Network Marketing requires a lot of
work and dedication to become successful. Akala nila ang kailangan lang nila na
mapa-join is dalawang tao lang which a big mistake! This is the
biggest reason the retension rate in Networking is very low. The
prospect joins because of the lies and after they’ve join, they will
realize the truth that Networking is tough and what their uplines said was not
true.
Eto yung tinatawag sa
industry na nabaliw lang or na hype lang. Maaaring
mabilis kang makakapag pa-join sa pangbabaliw mong puro kasinungalingan, kaya
lang yung mga downline mo ay mabilis din namang mag-quit at makaka dagdag sa
mag nenegative ng industriang ito.
Eto pang malupet:
Kapag umattend ka ng mga trainings (hindi ko nilalahat), Im just
pertaining to the unethical ones) you will be shocked kung anong tinuturo
nila sa mga members nila.They will tell them to do things like invest their
remaining savings, borrow money, even sell their belongings “the
B.U.S.H. system” just to raise the capital needed. Ang focus nila
is magpa-payin ng magpa-payin, chumeke ng chumeke… instead of helping them in
making the right decision.
Kawawa naman yung mga prospects. Kaya hindi rin natin sila masisisi kung mag-negative sila sa negosyong ito. Kasi nga sumali sila dahil sa maling akala na Networking is a get-rich quick business na ilang linggo lang kahit pa relax relax ka ayan na ang 20,000 – 30,000 (yun kasi sinabi sa kanila nung talk e) which is not.
Ang
resulta? Negative feedback and bad publicity, hindi lang sa mga companies, but the industry
itself.
“Hindi totoo
yang Networking na yan! Puro
namamawer lang mga tao jan! Naglabas ako ng pera kasi binigyan ako ng assurance
na within one month lang daw, kikita na ako ng malaki. Lalagyan daw ako ng tao(spillover),
pero until now, wala naman silang binigay na tao sakin.”
Ito
pa ang masaklap na response ng ibang na mis-informed
“Mga
mambubudol yang mga networker! Tinuturuan pa nilang magsangla, mangutang,
magbenta ang mga tao, mapasali lang nila!”
kalungkot
talaga pakinggan. . .
Whatever
field you are in please be professional. Instead of using
lies to hype just tell the truth tell them how you really earn and let them
decide.
Ipakita
natin sa kanila na tutulungan natin silang kumita, hindi yung kung anu ano lang
ang sasabihin para mapasali. Huwag magbigay ng false hopes o mga
pangakong hindi kayang ibigay.
Maraming
matitinong networkers ang nadadamay
dahil sa mga unethical practices ng ibang mga
networkers na ang focus lang ay kumita ng kumita.
Let’s protect the industry. Let’s rebuild its credibility.
Let’s protect the industry. Let’s rebuild its credibility.
credits to: Rocky Dela Cruz
No comments:
Post a Comment